KALIWANG BRASO NG ISANG LALAKI MULA ZAMBOANGA DEL SUR, LUMOLOBO AT TINUBUAN NG BUKOL-BUKOL?!
“Bata ako nu’ng nagsimulang lumaki ang braso ko.
Hindi ko na maalala kung ilang taon ako noong magsimula.
Tingin ko, nasa limang kilo na ang bigat ng braso ko.
Kapag naglalakad ako, sumasakit kasi mabigat.
Masakit din kapag gumagawa ako ng gawaing bahay.
May bukol din ako sa batok na konektado pa rin sa braso.
May lumabas na rin na bilog-bilog sa kabilang kamay ko.
Ngayon, parang lumala na talaga ang kondisyon ko.
Nararamdaman ko rin ang sakit sa dibdib ko.
Hindi kasi pantay.
Sa tuwing humihiga ako, kailangan kong tumagilid dahil ang bigat ng braso ko.
Ang mga damit ko, kailangan laging malalaki para magkasya at komportable akong
isuot.
Kapag may nakakakita sa akin, tinutukso nila ako.
Kaya nagtatago na lang ako.
Masakit.
Sabi ng nanay ko, may kakambal akong elemento kaya raw lumaki ang kamay ko.
Ngayon na malapit na ang Pasko, ang hiling ko lang ay maipagamot ang braso ko.
Sana gumaling na ako para maging maayos na ang buhay ko.”
-Bong, lumobo ang braso
#KMJS
Photos courtesy: Mars Jason