AMEN!

MILAGROSONG SANTO ENTIERRO O TATLONG HINULID NA IMAHEN NG PATAY NA HESUKRISTO SA GAINZA, CAMARINES SUR, PINAG-AAGAWAN NGAYON NG SIMBAHAN AT NG MGA PRIBADONG INDIBIDWAL?! SINO NGA BA ANG TUNAY NA MAY-ARI NITO?!
No photo description available.
“Nu’ng bumaha nitong nakaraan, nalaman naming dalawang araw nang nakababad sa tubig ‘yung Tatlong Hinulid.
Nu’ng makita ko ‘yung imahe, sobrang lungkot ko.
‘Yung paa, parang nalusaw na ‘yung pintura at inaamag na.
May mga crack na.
No photo description available.
Para sa amin na deboto, masakit talaga makita na ganoon na ang kalagayan ng imahen.
Parang napabayaan!
Malalim ang pananampalataya namin sa Tatlong Hinulid.
Sa pamilya namin ang mga imahe.
May be an image of 1 person, swimming, slow loris and turtle
May mga dokumento kaming nakuha na iniwan ng lola ko sa tatay ko.
Hiniram lang ‘yun noon ng simbahan.
May kasulatan pa ‘yun.
Pero kahit sinubukan daw noon ng lola ko na bawiin, hindi na niya nagawa kasi
May be an image of 1 person and body of water
pinipigilan siya ng mga tao.
Taon-taon, nakikiusap kami sa simbahan at sa pastoral para bawiin.
Pero laging wala.
Ngayon, gusto na naming kuhanin para mas maalagaan!
-William, apo ng nagmamay-ari daw ng Tatlong Hinulid
“Nu’ng bumagyo, lumaki agad ang tubig. Wala naman akong bangka para ma-rescue ‘yung mga imahen.
Nalaman ko na lang na may kumuha at ‘di man lang nagpaalam sa’kin bilang pastoral
chairman.May be an image of 2 people
Sana ipinadaan sa’kin, wala namang problema.
Kung naipaalam lang sa akin, sasama rin ako na kukuha sa imahen.
Dito pa nga sana sa bahay ilalagay kasi ligtas naman dito.
Hindi ko ‘yan ipagkakatiwala kung kani-kanino.
Ngayon, ang problema, ayaw pa nila ibalik.
Sabi ko nga sa kanila, kay Father sila magpaliwanag.
Siya ang may karapatang magdesisyon.
May be an image of 7 people and hospital
Kung wala naman silang interes, dapat isinauli na nila.
Ang apela nila, hiniram lang daw ang Tatlong Hinulid at dapat ibalik na.
Bilang pastoral chair, gusto kong mapangalagaan ‘yung mga imahen at maiwasan ang gulo.”
May be an image of 6 people, people studying, hospital and text